Mashado ng serious ang mga entries ko. (Actually, nasulat ko ang mga yan several weeks ago pa, di ko lang na-upload kase tamad nga ako di ba!)
Hindi na makatotohanan ang blog na ito. Kaya tapusin na natin ang commercial break.
Ikakasal na ako by the end of next year. Nahanap ko na ang lalakeng pakakasalan ko, as in!
Ang initials nya ay P.B. at ang full name nya ay Papa Benedict, yung nakatira sa V_t_can. Kaya ako nagpipilit mag-Tagalog kase di pwedeng ma-google alert itong post na 'to. Mahirap na baka... alam nyo na. Better safe than sorry.
Bakit naman siya ang napili kong pakasalan? Well, let me enumerate my reasons:
1. He's brilliant. Isa na yata sya sa pinakamatalinong tumira sa address na yun, and I'm a sucker for brilliance.
2. He's got matinding taray factor! I love it na wala syang care magsabi ng gusto nya sabihin. Que se joda! Care nyang mag media training kay Mother! He's the type of guy I know I can never bully or manipulate, kahit pa, sabi ng mga friendships ko, ako na ang pinaka-manipulative na girlet sa earth.
3. He's so fashyon! Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalakeng tunay pero naka red leather Prada shoes?
4. Pang-global news ang beauty nya! Gusto ko ng lalakeng pinaguusapan at pinagkakaguluhang mahipo man lang. Ayaw ko ng lalakeng ako lang ang nakakadiscover dahil pangit yun, di yun nakakahaba ng hair, pramis! At ayoko magka short-hair!
5. And of course, ispiritwal! Bayad na ang entrance fee sa langit, at buy-one-take- one ang hawak na ticket. Di ko na kailangang mag-effort pa.
Nagustuhan ko rin siya dahil alam kong magugustuhan sya ng mga friendships kong tunay, di gaya ng mga ibang boylets dyan sa "tabi-tabi po". Type sya ng friendships dahil:
1. Celibate sya. Ayaw kase ng mga friendships kong tunay na ako'y mabastos, love kase nila ako mashado, you know!
2. He's the type na hindi magpapaligaw sa akin. Para daw, for once, maranasan ko naman na ako'y maligawan, Joshua Harris style. Sabi ng friendships P.B. is the type of guy na magpapaalam muna sa tatay ko bago ako ligawan. How sweet! I'm so kilig na talaga! Grabeh!
3. He's emotionally available at wala syang misis, girlfriend, ka-ef-ef at kung ano-ano pang klase ng ef, according sa mga press releases. Importante daw ito dahil mahirap daw ang may ka-share sabi nila. Di ko ma-gets kase di naman ako nahirapan dati. Ewan ko ba.
Marami pang ibang reasons. Tamad lang akong magsulat pa.
Meron lang akong isang problema. Paano sya aakyat ng ligaw sa bahay namin eh taga-Pasig ako at taga-Italia sya at di pwedeng mag jetset ng basta-basta? Ala rin naman akong Schengen visa at wala rin akong pamasahe, MRT card lang.
Ah basta! Bahala na si batman!
Ikakasal ako next year. By faith, or by force.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment